Mondays - Fridays after It's Showtime

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: Pusong Ligaw Bagong Kabanata Presscon

ABS-CBN.com November 07, 2017 10:31 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Mas matitinding laban ang haharapin pagdating sa puso at pamilya ng mga bagong bihis na karakter sa bagong kabanata ng hit afternoon seryeng “Pusong Ligaw.”

Matapos takasan ang pagibig at piliin ang mas makakabuti sa kani-kanilang pamilya, muling paglalapitin ng tadhana ang mga buhay nina Tessa (Beauty Gonzales), Caloy (Joem Bascon), at Marga (Bianca King) at nina Vida (Sofia Andres), Potpot (Diego Loyzaga), at Rafa (Enzo Pineda).

Tila maliit talaga ang mundo nina Tessa at Caloy na nagkrus muli ang landas dala ng kanilang trabaho. Ang kanilang madalas na pagsasama ay magbabalik ng masasayang nakaraan kay Caloy na hindi maiwasang mahalintulad niya sa matabang nilang pagsasama ni Marga. Simula kasi noong gawing House of Marga ni Marga ang House of Teri ay naging workaholic na ito at nawalan na ng oras para sa kanyang mag-ama.

Samantala, simple naman ang pamumuhay ngayon ni Vida na piniling maging isang guro simula ng iniwan siya ni Potpot, na patuloy namang umaasenso sa ibang bansa. Muli pagtatagpuin sina Vida at Rafa ng tadhana at simula noon ay magiging malapit na sila sa isa’t isa.

Sa pagbabalik ni Potpot sa bansa, tuluyan na kaya niyang palayain si Vida na mahalin si Rafa? Hanggang kailan lalabanan ni Caloy ay sinisigaw ng damdamin para kay Tessa?

Huwag palampasin ang mas umiinit pang mga tagpo bagong kabanata ng “Pusong Ligaw” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 

Related