ABOUT


Si ELISABETH “LISA” LAUREANO (Jodi Sta. Maria) ay isang strong, hardworking, competitive, confident [albeit terror] boss na walang ibang priority kundi ang pagpapalago ng mamanahin niyang kumpanya mula sa kanyang amang si JUANCHO LAUREANO (Christopher de Leon). Ang Laureano Group of Companies (LGC) lang ang focus nya more than anything else—not even a love life.

Kaya laking gulat ni Lisa nang malaman niyang ineengage sya sa Manila’s most sought-after bachelor, non-believer of love, and her greatest rival na si MARTIN CO (Richard Yap)—anak ng best friend-turned-enemy-turned best friend ulit ni Juancho na si MIGUEL CO (Buboy Garovillo). It was an unfulfilled plan ten years ago that are now being put back into action ng kanilang mga ama in order to secure partnership, trust, and success between their companies.

In order to get some time for herself para makapagisip-isip at makatakas sa pang-aasar ni Martin, she stays at the last place you can think of para sa isang heiress gaya nya—a noisy, crowded, and far-from-posh barangay sa Maynila—sa isang bahay ng carpet at window cleaner ng LGC na si LEONARDO “LEO” TABAYOYONG.

It’s as if the universe has heard her plea, Lisa meets a woman who looks exactly like her, and is in dire need of help just like her—si RAMONA “MONA” BULALAYAO (Jodi Sta. Maria).

Si Mona ay isang kristo sa sabungan at taga-alaga ng manok sa probinsya ng Ceripana. May angking talento siya sa pagpili palagi ng manok na mananalo. Kaya naman nakataya sa kanya palagi ang tatay niyang si RAMON (Bobot Mortiz)—na mahilig sumugal sa kung anu-ano, believing na darating ang kanila ang one-time big-time moment para mabawi ang dati nilang bahay ng asawa niya at nanay ni Mona na si LENA (Alma Moreno).