VIDEOS

Show Logo

Martin at Mona, magkasamang pinuntahan ang anak ni Mommyla

ABS-CBN.com June 13, 2018 03:06 PM

 

Huminto muna sa gasolinahan sina Martin (Richard Yap) at Mona (Jodi Sta. Maria) bago pagpatuloy sa kanilang biyahe papunta sa anak ni Mommyla. Sa kanilang pagtigil ay tumawag kay Mona si Lisa ngunit hindi niya ito masagot. Tinext niya na lang si Lisa na tatawag siya mamaya at sumagot si Lisa na may sorpresa daw ito kay Lisa.


Narinig naman ni Martin si Mona na may binasang sorpresa sa text at tinanong kung si George ba ang ka-text nito. Itinanggi naman ito ni Mona at sinabhing hindi si George ang kausap niya. 


Tumuloy na sila sa kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa bahay ng anak ni Mommyla na si Joana (Pinky Marquez). Hindi naman naging maganda ang pagtanggap sa kanila ni Joana  at sinabing nakausap na nito si Baby. Kahit pinagtatabuyan na sila ay ipinarating ni Mona dito na walang bukambibig si Mommyla kundi ang mga anak niya. Sinabi naman ni Joana na tapos na ang kanilang relasyon bilang mag-ina.


Pinilit pa rin ni Mona na kumbinsihin si Joana na pumunta ng Tagpuan ngunit nagmatigas pa rin ito.

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related