VIDEOS

Show Logo

Lisa, humingi ng tawad sa pamilya ni Leo

ABS-CBN.com June 13, 2018 03:11 PM

 

Masayang nag-celebrate ang mga Tabayoyong para sa bagong kasal na sina Lisa (Jodi Sta. Maria) at Leo (Robin Padilla). Natanong naman ni Tamtam (Elia Ilano) kung ibig sabihin ba nito ay sa kanilang bahay na rin titira si Lisa. Sabi naman ni Leo na sa ngayon ay sa kanilang bahay muna sila titira pero darating din ang panahon na bubukod silang dalawa. 


Pabalang namang tinanong ni Tinay (Miles Ocampo) si Lisa kung kaya ba niyang bumukod at kung may trabaho ba ito. 


Humingi naman ng tawad si Lisa sa mga kapatid ni Leo sa nagawa ng kaniyang amang si Juancho (Christopher De leon) sa kanilang pamilya at bilang bagong ate ng pamilya ay pinangako nito na poprotektahan niya ang mga ito. 

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related