VIDEOS

Show Logo

Ang nakakatawang joke ni Mona kay Martin

ABS-CBN.com June 14, 2018 05:12 PM

 

Habang nasa biyahe ay iniisip ni Mona (Jodi Sta. Maria) kung sasabihin niya ba kay Martin (Richard Yap) ang tungkol sa pag-iisang dibdib nina Lisa (Jod Sta. Maria) at Leo (Robin Padilla). 


Nagulat si Mona nang magtanong si Martin kung may sasabihin ba ito sa kanya ngunit ang tungkol sa joke ni George pala ang tinutukoy nito.


At dahil hindi naman totoo ang tungkol sa joke ni George ay nag-imbento na lamang si Mona ng joke. Tinanong ni Mona si Martin kung ano ang tinanong ng baby patatas sa uncle na papatas. Ang sagot ay “Hello, Po-tito (potato)!”


Nang hindi na-gets ni Martin ang joke, ipinaliwanag ito ni Mona. Inamin naman ni Martin na nakakatawa ang joke at slow lang siya. 
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related