VIDEOS

Show Logo

Martin at Mona, napilitang magsama sa iisang kwarto!

ABS-CBN.com June 14, 2018 05:13 PM

 

Bukod sa kanyang mga biniling pasalubong para kay Mommyla ay binilhan din ni Martin (Richard Yap) si Mona (Jodi Sta. Maria) ng pulang scarf. 


Lubos naman ang tuwa ni Mona sa binigay ni Martin. Mas lalo pa siyang kinilig nang tinulungan siya ni Martin na isuot ang scarf sa kanyang leeg.


Habang tuwang-tuwa si Mona sa binigay na red scarf ni Martin ay sinabi ng huli na sana ay palagi na lang masaya ang mga tao. 


Napansin naman ni Mona na ngayon niya na lang ulit nakitang masaya si Martin, kaya mas lalo itong nagdadalawang-isip kung sasabihin na ba niya ang tungkol sa pagpapakasal nina Lisa (Jodi Sta Maria) at Leo (Robin Padilla) 
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related