MONDAY-FRIDAY AFTER KADENANG GINTO

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: Sandugo Grand MediaCon

Entertainment.ABS-CBN.com September 25, 2019 01:24 AM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title


Hanggang saan ang kayang isakripisyo ng isang magulang para sa anak nito?


Inihahandog ng ABS-CBN ang isang makapangyarihang kwento ng dalawang pamilyang pinagbuklod ng isang nakaraang sinira ng kahirapan sa bagong family drama series na Sandugo, na mapapanood na sa Kapamilya Gold simula ngayong Lunes (Setyembre 30).


Sa Sandugo, gaganap sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica bilang magkakambal na magiging mortal na magkaaway, kasama ang isang batikang cast na kinabibilangan nina Vina Morales, Ariel Rivera, Gardo Versoza, Elisse Joson, Jessy Mendiola, at Cherry Pie Picache.


Iikot ang bagong Dreamscape offering sa tila 'di-mapaghiwalay na kambal na sina Julius Caesar at Aristotle, o JC at Aris, na kalauna’y magkakahiwalay dahil sa isang matinding pangangailan ng pamilya.


Sa kanilang paglaki, pamumunuan ni Aris ang isang malaking sindikato, habang isa nang NBI agent si JC na walang kaalam-alam sa kinahinatnan ng kanyang kambal.


Maghaharap ang dalawa sa magkabilang panig ng batas, nang hindi alam ang totoong pagkatao ng isa’t isa.


Ang Sandugo ay mula sa direksyon nina Darnel Joy R. Villaflor at Ram Tolentino at produksyon ng Dreamscape Entertainment. Tampok din dito sina Arlene Muhlach, Cogie Domingo, Dido Dela Paz, Jeric Raval, Maika Rivera, Mark Lapid, Nanding Josef, Ali Abinal, Reign Parani, Karina Bautista, Aljon Mendoza, at Ogie Diaz.


Tutukan ang kwento ng dalawang pamilya at kambal na pinaghiwalay ng tadhana sa Sandugo, simula Lunes sa ABS-CBN.

 

Related