LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
Show Logo

SHOW UPDATES

Pagsisimula ng Ikalawang Taon ng “Tawag ng Tanghalan,” tinutukan

ABS-CBN Corp. Comm. June 13,2017 06:27 PM

Inabangan ng mga manonood sa buong bansa ang pagbabalik ng pangmatindihang bakbakan ng boses sa tanghali sa “Tawag ng Tanghalan” at pagsabak ng unang apat na pambato sa ikalawang taon ng kumpetisyon sa “It’s Showtime” kahapon (Hunyo 12).

Ayon sa datos ng Kantar Media, nakakuha ng national TV rating na 18.3% ang “It’s Showtime” at mas tinutukan kumpara sa “Eat Bulaga” na nagkamit ng 15.7%.

Nagpakitang gilas agad ang apat na contenders mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao para ipaglaban ang kani-kanilang pamilya, ambisyon, paninindigan at mga pangarap. Ngunit sa huli, nangibabaw ang boses ng musical director mula Cavite na si John Mark Saga na umani ng standing ovation sa mga hurado at ngayo’y two-day defending champion na.

Sa ikalawang taon nito, malapit na ring makasali ang mga Kapamilya sa “Tawag ng Tanghalan” mula sa iba’t ibang bahagi sa buong mundo sa malapit nang pagbubukas ng auditions online at sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC).

Isang magandang kinabukasan naman ang nag-aabang sa bagong grand champion ng “Tawag ng Tanghalan” dahil pangmalakasan din ang mga premyo nito – P2 milyon, house and lot, isang bagong kotse, negosyo package, music instrument package, appliance showcase, at recording contract.

Mula sa pagwawagayway ng bandila ng mga taga-Visayas sa pagkakapanalo ng unang grand champion na si Noven Belleza at tagumpay ng unang “TNT Kids” grand champion na si Jhon Clyd Talili ng Mindanao, kaninong balwarte naman kaya manggagaling ang susunod na grand champion?

Huwag palampasin ang “Tawag ng Tanghalan” tuwing tanghali sa “It’s Showtime” na mapapanood sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-login lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related