Lunes-Sabado sa It's Showtime!

PHOTOS

Show Logo

WINNING MOMENTS: Jhon Clyd Talili is Tawag Ng Tanghalan Kids Grand Champion

ABS-CBN.com June 10, 2017 04:32 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Nanaig ang tinig ni Jhon Clyd Talili ng Surigao del Sur, Mindanao sa grand finals ng “Tawag ng Tanghalan” matapos siyang tanghalin bilang ang kauna-unahang grand champion ng kumpetisyon laban sa kalabang apat na grand finalists sa “It’s Showtime” noong Sabado (Hunyo 10).

Inawit ni Jhon Clyd ang “I Don’t Wanna Miss a Thing” upang makamit ang kampeonato at nakatanggap pinakamataas na average score na 89.90% mula sa pinagsamang hurado scores at madlang people text votes.

Bilang kauna-unahang grand champion ng “Tawag ng Tanghalan Kids,” nag-uwi si Jhon Clyd ng P1 milyon, house and lot, at negosyo package.

Nagpakita rin ng galing ang second placer na si Keifer Sanchez na nag-uwi ng P200,000 at third placer na si Mackie Empuerto na wagi ng P100,000. Pareho namang panalo ng P50,000 ang fourth placer na si Sheenna Belarmino at Francis Concepcion.

Sinubaybayan din ng netizens ang tapatan ng magagaling na batang singers dahil pinag-usapan ang performances ng grand finalists at ang pagkakapanalo ni Jhon Clyd kaya naman nanguna sa Twitter sa buong bansa at pasok sa worldwide trending topics ang hashtag na #TNTKidsGrandFinals.

Bukod sa kanilang tapatan, nagbigay rin ng espesyal na performance ng “Stand by Me” sina Jhon Clyd, Keifer, Mackie, Sheenna, at Francis para bigyang pugay ang mga tatay sa paparating na Father’s Day.

Mula naman sa matinding sagupaan sa “Tawag ng Tanghalan Kids” ay agad na aarangkada ang ikalawang taon ng “Tawag ng Tanghalan” tampok ang pagbabalik ng gong at punong hurado na si Rey Valera ngayong Lunes (Hunyo 12).

Huwag palampasin ang “Tawag ng Tanghalan” tuwing tanghali sa “It’s Showtime” na mapapanood sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-login lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related