MONDAY TO FRIDAY AFTER PUSONG LIGAW

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: The Better Half Finale Presscon

ABS-CBN.com August 24, 2017 07:54 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Tuloy pa rin ang laro ng buhay at pag-ibig para kina Camille (Shaina Magdayao), Marco (Carlo Aquino), Rafael (JC De Vera), at Bianca (Denise Laurel) sa pagtaya nila ng kanilang mga buhay upang maipaglaban ang kanilang minamahal hanggang sa huli, kaya naman inaabangan na ng mga manonood ang kanilang kapalaran sa nalalapit na pagtatapos ng “The Better Half.”

Kaabang-abang nga ang huling dalawang linggo ng serye dahil mas marami pang eksena ang gugulat at mga hindi inaasahang pasabog na magpapakaba sa lahat. Kahit ang mga bituin ng serye ay lubos ang pagkasabik sa ihahain nilang pagtatapos sa mga tagasubaybay.

“Kahit ako hindi makapaniwala noong nabasa ko yung script. Matindi ang kabog ng dibdib ko. Sigurado ako na magugulat ang mga viewers sa ending namin,” sabi ng isa sa mga bida ng serye na si Shaina.

“Kung sa tingin niyo matindi na ang kasamaan ni Bianca, mas magiging malala pa siya. Marami pa siyang pasabog na sure akong mababaliw ang lahat,” pabitin naman ng Kapamilya actress na si Denise tungkol sa karakter niya.

“Makikita niyo kung hanggang saan pa ang kayang isakripisyo ni Marco para kay Camille. Siguradong mas mamahalin niyo pa siya,” pagbabahagi naman ng ni Carlo.

“Dapat niyong abangan kung sino ba talaga ang mananalo, Team Sunrise o Team Sunset? ‘Yan ang dapat nilang tutukan” ayon naman kay JC.

Ngayon ngang patuloy ang paglaban nila para sa kanilang pagmamahal, sino nga ba ang mananalo sa laro ng pag-ibig? Paano nga ba sila makakatakas mula sa kasamaan ni Bianca? Kaninong buhay pa kaya ang maibubuwis para sa kaligtasan ng lahat?

Mula nga nang umere sa telebisyon ang “The Better Half” noong Pebrero, lubos nang tinutukan ang mga makapigil-hiningang mga eksena nito tuwing hapon. Nagdulot ito ng kaba sa mga manonood at hinangaan dahil sa magaling na pagganap ng mga bida nito.

Dahil nga sa matinding suporta ng mga manonood, nananatili rin itong nangunguna sa national TV ratings. Nagkamit nga ang serye ng all-time high national TV rating na 18%, ayon sa datos ng Kantar Media. Tinututukan din ito maging ng netizens sa pagiging trending topic nito online at sa pag-ani ng libo-libong tweets sa Twitter.

Tutukan ang pagtatapos ng kuwento ng mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa “The Better Half,” pagkatapos ng “Pusong Ligaw” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.

 

Related