MONDAY-FRIDAY AFTER ANG PROBINSYANO!

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: The General’s Daughter Finale Presscon

Entertainment.ABS-CBN.com September 26, 2019 11:25 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Kasing tindi ng trending action stunts ni Angel Locsin ang mga pasabog, bakbakan, at nakakaantig na mga eksena ng mga karakter sa The General's Daughter para tapusin ang kanilang huling misyon sa nalalapit nitong pagtatapos sa Oktubre 4.


Handog ng pinakamalaking teleserye ng 2019 ang makapagil-hiningang byaheng puno ng aksyon at emosyon para wakasan ni Rhian (Angel) ang kasamaan ni Tiago (Tirso Cruz III), na nananatiling uhaw sa kapangyarihan.


Walang ibang alam kundi dahas, idadamay ni Tiago sa kanyang plano ang libo-libong inosenteng buhay para pabagsakin ang militar at gobyerno at maging pinuno ng bansa. Plantsado na ang pagbabanta niya sa tulong ng sikretong tauhan niyang si Cinco (Mercedes Cabral), na nagpapanggap bilang isang senador na kinasusuklaman ang mga terorista.


Ngunit nauubusan na ng oras si Rhian, dahil kasabay ng paghahanap nila nina Marcial (Albert Martinez) at Franco (Paulo Avelino) kay Tiago ay ang patuloy ding pagtugis sa kanila ng mga otoridad.


Sa kabila ng pagdurusa ni Corazon (Eula Valdez) dahil sa pag-aalala para sa kanyang mag-ama, tuluyan namang umaklas si Amelia (Janice De Belen) mula sa layunin ng asawa niyang si Tiago at hiniwalayan na ito para magsimula ng bagong buhay kasama ang batang anak nila.


Magtagumpay kaya si Rhian na linisin ang kanyang pangalan at pigilan ang masasamang plano ni Tiago para sa bansa?


Simula nang mapanood ang The General's Daughter noong Enero, mahigpit ang kapit ng mga manonood sa serye na nagdulot ng araw-araw na panalo nito sa nationwide ratings, pag-ulan ng mga papuri para sa all-star cast nito, at mainit na usap-usapan sa social media.


Kabilang din sa ilang mga eksenang tumatak sa mga manonood ay ang mga eksena ni Angel kung saan siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang stunts, ang pagkakatuklas ng karakter niya ng tunay na pagkatao niyang si Arabella, at ang pagkamatay nina Elai (Arjo Atayde) at Sabel (Maricel Soriano) sa kamay ni Tiago.


Tutukan ang huling linggo ng The General’s Daughter sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). 
 

 

Related