Mondays - Fridays after Bagani

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: The Good Son Finale MediaCon

ABS-CBN.com March 19, 2018 09:14 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title


Mababasag na ang lahat ng teorya at haka-haka dahil lalabas na ang malagim na sekreto nina Joseph (Joshua Garcia), Obet (McCoy De Leon), Calvin (Nash Aguas), at Enzo (Jerome Ponce) sa napipintong pagtatapos ng top-rating Kapamilya primetime series na The Good Son.

 

Nakatakdang magbago ang lahat ng nalalaman ng mga manonood dahil sa darating na Biyernes (Marso 23), isang malaking pasabog ang magtuturo sa kung sino sa apat na anak ang tunay na pumatay kay Victor (Albert Martinez).

 

Ngayon ngang nalalapit na ang pagwawakas ng serye, kanya-kanya nang hula ang mga tagasubaybay sa katauhan ng kumitil sa haligi ng mga Buenavidez. Ilang pangalan na rin ang lumutang ngunit nananatili pa ring palaisipan ang kaso ni Victor na sumira sa buhay ng dalawang pamilya at apat na anak na kanyang iniwan.

 

Unang sumalang sa imbestigasyon si Joseph, na ang itinuturong motibo sa pagpatay sa ama ay ang lubos niyang hinagpis sa pang-aabandona nito sa kanila ng kanyang inang si Raquel (Mylene Dizon).

 

Sunod namang naging suspek si Enzo matapos ang matinding pagtatalo nila ni Victor na nauwi pa sa pisikalan nang parusahan siya nito sa matinding gulong ginawa sa paaralan.

 

Isa naman sa mga pinakatumatak na eksena sa serye ay ang imbestigasyon kay Calvin, na kalaunan ay nakumpirmang mayroong schizophrenia at sinasabing ang mga boses sa kanyang isip ang nagtulak sa kanya para lasunin si Victor.

 

Hindi rin naman nakaligtas sa imbestigasyon si Obet, na ang sinasabing motibo sa krimen ay ang patuloy na pananakit ni Victor nang paulit-ulit sa kanilang ina ni Joseph.

 

Ngunit hindi pa natatapos ang laban ng apat na anak para mapatunayang wala silang sala, at kaakibat nito ang malalaking rebelasyon na hindi dapat palampasin ng mga manonood.

 

Mula nang umere ang serye noong Setyembre 2017, sinubaybayan na ng mga manonod ang maiinit na relebasyon ng The Good Son na pumupuno ng misteryo sa bawat gabi. Kinagat ang kwento ng kaso ng pagkamatay ni Victor dahil sa kaabang-abang nitong twists at mga eksenang patuloy na nag-uudyok ng katanungan sa mga tagsubaybay.

 

Bukod naman sa kwento nito, pinag-usapan din ang mahusay na pagganap ng mga bida ng serye sa pangunguna ni Joshua na patuloy na pinatutunayan ang kanyang galing sa pag-arte sa una niyang pagbida sa serye. Tumatak din sa mga manonood ang makatotohanang pagganap ni Nash sa karakter niyang may schizophrenia, na lalong nagpakita kung paano siya hinubog ng panahon sa showbiz.

 

Hindi rin naman nagpahuli sina Jerome at McCoy na kinabiliban din para sa kanilang kapansin-pansing paggaling at pakikipagsabayan sa mga batikang aktor sa industriya.

 

Dahil nga sa naiibang takbo ng istorya nito, patuloy din ang pagwawagi ng The Good Son sa national TV ratings at nagkamit na nga ng all-time high na 21%, ayon sa datos ng Kantar Media. Trending din ang gabi-gabing misteryo nito na umaani ng libo-libong tweets sa netizens.

 

Panoorin ang nalalapit na pagtatapos ng The Good Son.

 

Related