MONDAY-FRIDAY AFTER STARLA

PHOTOS

Show Logo

IN PHOTOS: Joshua Garcia & Janella Salvador at The Killer Bride Bloggers Conference

Entertainment.ABS-CBN.com August 08, 2019 04:40 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Ilang beses na dapat nagkatrabaho ang dalawa sa pinakatinitingalang bituin ng bagong henerasyon na sina Joshua Garcia at Janella Salvador, ngunit ngayon lang matutuloy ito sa seryeng “The Killer Bride.”


Nabigyan na ng katuparan ang hiling ng fans na magtambal sa isang proyekto sina Joshua at Janella, na gaya ng kanilang tagasuporta, ay nasasabik na rin sa seryeng pinagbibidahan nila.


“Na-excite talaga ako nung nalaman kong makaka-work ko si Joshua kasi ilang beses na dapat kami magkakatrabaho pero laging hindi natutuloy. I think this is the perfect time and project for us,” sabi ni Janella.


Naging malaking tulong din daw ang workshops at dedikasyon nila sa trabaho para mabigyang buhay ang kanilang karakter. “First time namin magkatrabaho, so may ilangan. Pero nag-provide ang unit namin ng workshop, hanggang sa naging komportable na kami sa mga eksena. Dedicated kami matuto,” pagbabahagi ni Joshua.


Gaganap si Janella bilang si Emma, ang babaeng nagsasabing sumasanib sa katawan niya si Camila Dela Torre (Maja Salvador), ang killer bride. Makikilala niya si Elias (Joshua Garcia), ang kanang kamay ni Vito Dela Cuesta (Geoff Eigenmann), ang lalaking sana’y magiging asawa ni Camila bago ito mawala.


Marami ang maniniwalang dumating si Emma para ituloy ang paghihiganti ni Camila. Pero hindi ito hahayaan ni Elias at gagawin ang lahat upang mapagtanggol ang mga Dela Cuesta, lalo na si Vito.


Saan nga ba hahantong pagtatagpo ng kanilang landas?


Parte rin ng serye sina Dominic Ochoa, Loren Burgos, Alexa Ilacad, Eric Nicolas, Keanna Reeves, Eddie Gutierrez, Aurora Sevilla, Cris Villanueva, James Blanco, Lara Quigaman, Ariella Arida, at Sam Concepcion. Sa ilalim ito ng direksyon ni Dado Lumibao.


Panoorin ang The Killer Bride sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 

Related