Every Sunday after Goin Bulilit!

PHOTOS

Show Logo

GLAM SHOTS: Loisa Andalio in Wansapanataym Presents Gelli In A Bottle

ABS-CBN.com February 03, 2018 08:37 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Aral at kilig ang ihahandog nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa kanilang unang tambalan sa telebisyon na magtuturo ng kahalagahan ng pagpapakumbaba at pagsasakripisyo para sa iba sa “Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle,” na mag-uumpisa ngayong Linggo (Feb 4).

Kilalanin si Gelli (Loisa), isang dalagang lumaking hindi kagandahan ang itsura kaya tumpukan ng asaran ng mga tao. Ngunit nagkaroon siya ng pag-asang gumanda nang makapulot siya ng isang mahiwagang boteng naglalaman ng magical genie.

Pero dahil sa kasakiman niya, hihilingin ni Gelli na mapasakanya ang kapangyarihan ng magical genie upang magawa ang lahat ng gusto niya. Matutupad naman ang kanyang hiling sa hindi niya inaasahang paraan — magiging ganap siyang genie at makukulong siya sa loob ng bote.

Dito magkukrus ang landas nila ng binatang si Robin (Ronnie), ang maswerteng makakapulot ng mahiwagang bote. Ngunit dahil sa angking kasakiman ng dalaga, hindi sila magkakasundo ni Robin, kaya naman hindi nito pakikinggan ang pakiusap ni Gelli na palayain siya mula sa sumpa.

Habambuhay na nga bang magiging genie si Gelli? Maging magkaibigan pa kaya sila ni Robin?

Kasama rin sa “Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle” sina Anjo Damiles, Barbie Imperial, Lilet, Cai Cortez, Michael Flores, Simon Ibarra, Rubi Rubi, at Raine Salamante. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Darnel Villaflor.

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.

 

Related