TV Patrol

Anak ni Rico J. Puno, naiyak nag alalahanin ang mga huling sandali ng ama

ABS-CBN.com November 01, 2018 08:59 PM


Hanggang sa huli, musika at pagmamahal sa trabaho ang iniintindi ng music icon na si Rico J. Puno. Ito ang ibinahagi ng kanyang anak sa mga huling sandali bago namaalam ang singer.


Ikinagulat ng mga anak ng yumaong si Rico J. ang biglaang pagkamatay noong Martes (October 30). Kwento ng anak na si Tosca, tumaas ang heart rate ng ama kaya dinala sa ospital para mapatingin.


“Kasi napansin nila, heavy breathing. My dad kasi, medyo nagmanas na siya. Nahihirapan siyang huminga, mga 12 ng madaling araw and then a few minutes, my cousin called sabi niya, ‘Ate, nire-revive na si Tito,” kwento ni Tosca.


Nasanay na raw ang kanilang pamilya na pagkatapos ng check up ni Rico ay uuwi na sila kaya hindi nila inaasahan na sa gabing iyon, hindi na nila makakasabay pauwi ang ama.


“Papa, ‘di ba may duet pa tayo? I just really have to accept it. We have to accept. ‘Yun lang, mami-miss ko lang siya,” emosyonal na sinabi ni Tosca.


Dagdag pa ni Tosca, kahit sa huling sandali, musika at trabaho pa rin ang iniisp ni Rico.


“Alam n’yo po ba nung nando’n kami sa St. Lukes, you know what his question was, ‘Kailan ang station ID shoot?’”


“He loves music. He would go to his room, put on YouTube and sing hanggang madaling araw.”


Bukas may espesyal na tribute ang mga kasamahan ni Rico sa Tawag ng Tanghalan.


Masaya ang pamilya ni Rico J. dahil ang pagmamahal na binuhos nito sa musika ay sinusuklian ngayon ng kanyang mga kasamahan sa industriya.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA