Umagang Kay Ganda

Coco Martin, nilinaw ang viral video ng halikan nila ni Yassi Pressman

ABS-CBN.com June 29, 2018 08:17 AM


Nilinaw ni Coco Martin ang viral video ng halikan nila ng on-screen partner na si Yassi Pressman.

Sa panayam kay Coco, sinabi niya na beso-beso lang ang nangyari at dagdag pa ng aktor na normal na sa kanila ni Yassi na magAbeso-beso sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagpasalamat din siya sa mga taga-suporta na gusto silang maging real-life couple. Patunay daw ito na aprubado ang kanilang loveteam sa telebisyon.

Matatandaang isa sa trending na video sa YouTube ang eksena nina Cardo at Alyana. Nakuha naman ng FPJ’s Ang Probinsyano ang highest rating na pumalo ng 43.7 percent national ratings at 46.8 percent naman sa rural ratings base sa June 26 Kantar Media National TV Ratings.


Read on PUSHCoco Martin ipinaliwanag kung bakit niya hinalikan si Yassi Pressman


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA