Catriona Gray, mas piniling maging Miss Philippines

ABS-CBN.com January 11, 2019 07:37 AM


Sinagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang tanong kung siya ba ay Miss Philippines o Miss Australia.


Ipinanganak si Catriona sa Queensland, Australia at nanirahan sa Pilipinas mula nung siya’y maging teenager. 


Sa kanyang interview sa US show na Build Series, sinabi niyang mas nakikita niya ang sarili bilang Miss Philippines at mas ramdam niya ang pagiging Pinay.


Dagdag niya wala naman dapat maging isyu dito. 


Napanood na rin si Catriona sa US show na Live With Kelly And Ryan at sa Good Day New York kung saan ipinasuot pa ni Catriona ang kanyang Mikimoto crown sa host na si Rosanna Scotto bilang parte ng media duties niya bilang Miss Universe 2018.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA