Umagang Kay Ganda

Sharon Cuneta, napa-throwback sa naging relasyon nila ni Richard Gomez

ABS-CBN.com November 23, 2018 07:13 AM


Inamin nina Richard Gomez at Megastar Sharon Cuneta na nagkailangan sila sa umpisa ng shooting ng pelikulang “Three Words to Forever”.


Napa-throwback sina Sharon at Richard sa “Three Words to Forever” media conference kagabi. Unang naikwento nina Sharon at Richard ang mga panahon na bago pa lang silang mag-boyfriend at girlfriend taong 1989.


“Siyempre ‘yung mga panahon [na yun] of course, sinabi ko, I love you. Siyempre syota kami no’n eh,” pagbubunyag ni Goma.


At sa muli nilang pagkikita para simulan ang Star Cinema movie, nagkailangan daw sina Sharon at Goma sa umpisa ng shooting.


“Siyempre medyo uncomfortable dahil ang tagal naming hindi nagkita. May warm-up period,” dagdag pa ng aktor.


Pero nang naka-adjust na silang muli na kasama ang isa’t isa, muling inulit ni Sharon ang kanilang bonding.


“I remember ‘di ba I did this to your face. I was looking at you. ‘Yung tinitingnan ko ‘yung face niya. Siyempre the years have been good to us. He’s aged gracefully tapos sabi ko, Mayor na siya. Dati, tatay ko ‘yung Mayor,” kwento naman ni Mega.


Ipapalabas ang “Three Words to Forever” sa November 28.


Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA