Umagang Kay Ganda

Sylvia Sanchez, sinorpresa ng pamilya sa kanyang birthday

ABS-CBN.com May 21, 2019 07:59 AM


Napaiyak si Sylvia Sanchez nang sorpresahin siya ng kanyang pamilya sa kanyang kaarawan.


Ibinahagi ni Sylvia ang video sa Instagram kung saan kita ang pagdating ng kanyang mga anak sa Hong Kong.


Ayon sa kanya, siya sana ang sosorpresa sa kanyang pamilya pero nabaligtad ang lahat nang dumating ang mga anak na sina Arjo, Ria at Gela.


“Ako ang gustong mangsurpresa sa mama ko, pamangkin, kapatid, tiyahin at kaibigan, pero ang nangyari, ako ang nasurpresa ng asawa’t mga anak ko. Thank you [Arjo, Ria, at Gela] for going out of ur way just to be with me on my birthday. At sa nag-plano ng surpresang ito para makasama ko ang mga anak ko sa birthday ko, si [Arturo]. Siraulo ka asawa ko. Napaiyak mo ako sobra sobra, pero ang saya saya ko. Maraming maraming salamat sa ‘yo. Love you much. Talagang happy happy birthday to me,” ani Sylvia sa kanyang caption.


Nagpasalamat ang aktres sa lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan.


“Sa inyong lahat na bumati sa akin sa kaarawan ko, maraming, maraming salamat po. Ang saya saya,” ani pa niya.


SEE on PUSH.abs-cbn.com: Sylvia Sanchez, sinorpresa ng pamilya sa kanyang birthday


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA