Umagang Kay Ganda

Beauty Gonzalez, wala nang balak magka-baby ulit

ABS-CBN.com October 05, 2018 06:53 AM


Wala nang plano na magkaroon ng isa pang anak ang aktres na si Beauty Gonzales.

Sa press conference ng kanyang bagong teleserye na Kadenang Ginto, inihayag ni Beauty Gonzales na masaya na siya sa pagkakaroon ng isang anak at hindi na magbabago ang kanyang isip. Sinabi rin sa panayam ni Beauty na marami nang anak ang kanyang asawa at sapat na ito para sa kanya.

Mas maganda rin na isa lang ang kanyang anak para mas makapag-enjoy pa raw sila ng kanyang asawa pagdating sa travelling lalo na’t wala siyang yaya para sa kanyang anak.

Pebrero ng taong 2016 noong ipinanganak ni Beauty ang anak nila ni Norman Crisologo na si Olivia.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA