Umagang Kay Ganda

Lea Salonga, naniniwala sa kakayahan ni Catriona Gray

ABS-CBN.com December 07, 2018 08:15 AM


Sa music album launch ni Lea Salonga para sa Bahaghari kasama ng National Artist na si Ryan Cayabyab, napa-throwback si Lea sa taon na isa siya sa kinuhang judge para sa 2011 Miss Universe pageant. Isa si Lea sa listahan ng mga Pinoy na naging hurado sa prestigious pageant na inaabangan taon-taon.


Kaya naman hindi naiwasan na itanong kay Lea kung ano sa tingin niya ang magiging laban ni 2018 Miss Universe-Philippines Catriona Gray na kasalukuyang nasa competition sa Thailand.


“They all say that she has a chance kasi nga matalino, magaling sumagot. It’s not just her physical beauty na may utak daw talaga ang bata. So if that’s the case, then you have a chance,” ani Lea.


Dagdag pa ng international singer, para sa kanya, mas may bigat ang intellectual capacity ng isang kandidata kaysa sa pisikal na itsura, “kasi ano naman ang ganda mo if there’s nothing behind it so I’m hoping that with Catriona, there is something behind it.”


Kung tatanungin naman kung sa palagay niya ba ay nakakatulong ang Pinoy judge para sa Miss Universe pageant para sa Pinay candidate, “if you put a Filipino judge that’s very objective, then it really won’t matter because they’re gonna look at everybody.”


Sa ngayon ay isa si Catriona Gray sa mga paboritong kandidata ng pageant fans na manalo bilang 2018 Miss Unvierse.


Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA