Umagang Kay Ganda

Dating Star Power finalist na si Natasha Cunanan, may benefit concert para sa inang may sakit

ABS-CBN.com January 11, 2019 08:18 AM


Awit para sa ina ang benefit concert ng isang dating Star Power finalist lalo pa’t dumaranas ngayon ng malubhang karamdaman ang kanyang nanay.


Siya si Natasha Cunanan na naging finalist sa Star Power kung saan nanalo noon si Angeline Quinto. Todo ensayo ngayon si Natasha sa una niyang concert na ang kikitain ay sa pagpapagamot ng kanyang ina na may karamdaman.


“Itong concert na ‘to is a benefit concert for my mother kasi meron siyang brain tumor. Actually, na-operahan na siya before with the help of Miss Sharon Cuneta,” kwento ni Natasha.


Ang Star Power host na si Megastar Sharon Cuneta ang unang tumulong sa ina ni Natasha. Malaking tulong ang ibinigay ni Sharon na sumagot sa operasyon ng ina ni Natasha na nagdugtong sa buhay nito.


“Nung nalaman niya ang story about bakit ako sumali sa contest kasi siyempre para mapagamot ko ‘yung mother ko. Binulungan niya ako. Sabi niya, win or lose, ako na ang bahala sa mama mo. Nag-recur ‘yung tumor saka nagkaroon ng infections.”


Ngayon, muling kumakatok si Natasha at nagdarasal na sana ay muling malagpasan ng ina ang pagsubok sa kalusugan nito, “Sana mabigyan ng chance na makarating sa kanya itong kondisyon ni mama.”


Kasama ang mga kaibigan na sina Angeline at Katrina Velarde, matutunghayan mamayang gabi ang benefit concert na “Love Life” sa Music Museum.


Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA