Umagang Kay Ganda

Moira, aminadong hirap sila sa pagpili dahil magagaling ang mga kalahok sa Idol Philippines

ABS-CBN.com May 21, 2019 08:01 AM


Nilinaw ni Moira dela Torre na hindi scripted kung may hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng mga judge sa Idol Philippines. Wala rin daw namumuong tensyon sa kanila ni Regine Velasquez-Alcasid.


Sa patuloy na paghahanap ng unang Idol Philippines, binigyang linaw ng isa sa judges ng palabas na si Moira dela Torre na maayos sila ni Regine Velasquez na isa rin sa judge ng reality singing franchise.


Kamakailan naging usapan ang tila nabuong tensyon sa pagitan ni Regine at Moira dahil sa pagkakasunod-sunod ng Idol hopeful na ang peg ay ang singing sound ni Moira.


Kwento ni Moira, sa pagpapatuloy ng auditions, pahirap nang pahirap ang kanilang trabaho sa pamimili ng deserving singer para tawaging Idol Philippines.


“Ang dami po kasi nila na sobrang galing. Actually halos lahat ng sumali, sobrang galing na hirap na hirap kaming lahat,” ani Moira.


Nilinaw pa ni Moira na hindi scripted ang mga hindi pagkakaintindihan sa pagitan nilang mga judge. 


“Totoo naman po. Kasi sunod-sunod sila. Hindi ko nga po alam kung suno-sunod din nila pinakita ang auditions tapos sunod-sunod sila na ako ‘yung influence or parang ‘yung same sound. So nung mga pangatlo na nagtago na ako. Sabi ko, alam ko na sasabihin mo. But after every taping, wala, we’re so light and sobrang saya po sa set,” kwento pa ng ng singer.


Dahil kilala rin bilang isang produkto ng talent search, ramdam ni Moira ang nararamdaman ng hopefuls tuwing sila ay naliligwak sa auditions. 


“Alam ko ‘yung feeling na ma-reject. Ilang beses din po akong na-reject so ang dali lang pong i-encourage sila lalo na nung mga nag-eliminate na kami.”


Dito nagbigay pa ng saloobin si Moira sa mga aspiring singers na tila nagiging peg siya sa pagkanta, “Alam ko rin na unconscious ‘yun kasi parang kahit po ako nung naging influence ko si Brooke Fraser, naging kaboses ko si Brooke Fraser for a while at si Sarah Bareilles, si Norah Jones. And it just took one person, two people to believe in me and give me a chance and eventually I found my own sound.”


Bukod sa Idol Philippines, naghahanda na rin si Moira sa kanyang upcoming “Braver” concert at album launch na gaganapin ngayong 2019.


Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA