Umagang Kay Ganda

Megastar Sharon Cuneta, pinuri ang kabaitan ni Kathryn Bernardo

ABS-CBN.com October 23, 2018 08:39 AM


Hanga si Megastar Sharon Cuneta sa kabaitan ni Kathryn Bernardo.
 

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sharon na naiintindihan niya ngayon kung bakit humahanga sina Olivia Lamasan at ilang Star Cinema bosses kay Kathryn.
 

“Now I understand what Inang Olive Lamasan and Tita Malou Santos, our Star Cinema bosses, and our director Cathy Garcia-Molina, meant when they said that this little girl Kathryn was super mabait. It’s been so easy falling in love with this, my new screen daughter.” ayon sa caption ni Megastar sa kanyang Instagram post.
 

Aniya, hindi naging mahirap sa kanya ang makatrabaho ang Queen of Hearts pero dagdag niya, huwag daw magseselos si Julia Barretto dahil pantay naman daw ang kaniyang pagmamahal sa kanila.
 

“(No, Julia @juliabarretto I love you both in different ways cos you are different people! No selos okay? Hahaha!) Kath is truly precious. Grateful for this chance to work with her! @bernardokath,” dagdag pa niya.
 

Magkasama sila ni Kathryn sa kanilang upcoming movie na “Three Words To Forever” na pinagbibidahan din ni Richard Gomez.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA