Umagang Kay Ganda

Janella Salvador, inakusahan si Elmo Magalona ng pananakit

ABS-CBN.com October 25, 2018 08:00 AM


Binasag ni Janella Salvador ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu nila ni Elmo Magalona.


Sa panayam niya kay Ricky Lo sa Philippine Star, inakusahan ni Janella si Elmo ng pananakit. 


Kwento ng aktres, ang unang pagkakataon umano’y nangyari noong nanggaling sila sa isang party. Wala raw maalala ang binata dahil sa kalasingan at pinatawad naman niya ito.


Pero dagdag ni Janella, naulit umano ang pananakit ni Elmo at sa pagkakataong ‘yun ay nanlaban siya at sinampal ang aktor dahil sa hindi nito pagrespeto sa kanya.


Inamin din ni Janella na sumasangguni siya ngayon sa isang psychiatrist.


Naging on-screen partner sina Janella at Elmo sa iba’t ibang proyekto, kabilang na dito ang una nilang teleserye na Born For You.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA