Umagang Kay Ganda

Catriona Gray, hot pick ng Miss Universe pageant fans para sa korona

ABS-CBN.com December 07, 2018 08:21 AM


Kanya-kanyang suporta sa mga kandidatang paborito at kanya-kanyang reveal ng hot picks ang Miss Universe fans matapos ang isang linggo ng 2018 Miss Universe candidates sa Thailand.


Sa pre-arrival pa lang ng mga kandidata, nanguna na agad ang bet ng Pilipinas na si Catriona Gray. Si Catriona rin ang choice ng Latin pageant fans at mahigpit ang magiging laban ni Catriona kasama si Miss Venezuel at Miss Colombia na suki at paborito taon-taon.


Ang first transgender candidate na si Angela Ponce mula sa Spain ang bet manalo at magwagi ng ibang pageant watchers dahil napapanahon na para alisin ang discrimination. Pero mapapansin na number 3 sa kanilang choice si Catriona ng Pilipinas. 


Sa mga opinyon ng Miss Universe fans, nahuhusgahan agad ang ilang kandidata dahil sa mga isyu at advocacy na kanilang ipinaglalaban.


Kaya naman inaasahan na isa ito sa pinaka-exciting na labanan para sa korona bilang Miss Universe 2018 na mapapanood ang coronation show sa December 17 sa ABS-CBN.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA