TV Patrol

Miss Earth 2018 pageant, pinag-iisipang idaos kasabay ng reopening ng Boracay sa Oktubre

ABS-CBN.com July 06, 2018 07:50 PM

Imbes na Miss Universe, posibleng Miss Earth 2018 pageant na lang ang idaos kapag nagbukas ulit ang Boracay sa Oktubre.

Dala ng kontrobersiya sa Department of Tourism at isyu ng funding, hindi tuloy ang unang planong isasabay ang reopening ng Boracay sa pagdaos muli ng Miss Universe sa Pilipinas.

Sa halip, mga beauties ng Miss Earth ang napipisil ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na magpakislap sa pagbukas ng isla sa Oktubre sabay sa pagdaos ng Miss Earth 2018 pageant. Sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na maganda naman ang maidudulot sa lugar ng nasabing pageant.

Nauna nang nagkipag-ugnayan ang Miss Earth Organization kay Pangulong Rodrigo Duterte na winelcome sa Davao noong weekend.

Sinusuportahan din ng Pangulo ang tulong ng Miss Earth beauties at environment advocates Gina Lopez at Cecil Alvarez.

Pangalawang pagkakataon na idaos ang Miss Earth pageant sa Boracay. Unang dinaos ang nasabing pageant sa lugar noong 2009.

Bukod sa pagsulong nila ng Boracay protection campaign, itatampok din ng Miss Earth organizer ang bikini showcase ng pageant sa isla sa Oktubre 26.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA