Umagang Kay Ganda

Komedyanteng si ‘Bentong’, pumanaw sa edad na 55

ABS-CBN.com February 11, 2019 07:59 AM


Nakiramay ang ilang showbiz personalities sa pagpanaw ng komedyanteng si Bentong.


Pumanaw na noong Sabado ng umaga, February 9 si Domingo Vusotros Brotamante Jr. o mas kilala sa showbiz bilang si Bentong. Komplikasyon sa sakit sa diabetes ang ikinamatay ng 55 taong gulang na Star Magic artist na hindi na na-revive nang isugod sa Fairview General Hospital.


Ang son-in-law ni Bentong na si Arvin Vincent Anierdes, sa kanyang social media post, ang nagkumpirma na namaalam na si Bentong.


Hindi makakalimutan si Bentong sa kanyang nagdaang mga proyekto sa ABS-CBN, kabilang ang Toda Max, Luv U, at Home Along Da Riles.


Naglabas din ng official statement ang Star Magic para kay Bentong.


Naghandog ng panalangin ang mga host ng noontime show na It’s Showtime, sa pangunguna ni Amy Perez.


Nagbigay din ng kanilang pakikiramay sa social media ang mga personalidad na nakatrabaho ni Bentong na mananaliting bahagi ng masayang alaala sa showbiz industry.


Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.


Read: Comedian Bentong passes away


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA