Umagang Kay Ganda

Kyle Echarri, naaaliw sa memes ng netizens tungkol sa cast ng Kadenang Ginto

ABS-CBN.com May 21, 2019 08:18 AM


Big break para kina Kyle Echarri at Seth Fedelin ang mapabilang sa teleseryeng Kadenang Ginto


Bukod kay Andrea Brillantes at Francine Diaz na napapanood araw-araw sa hit teleserye, nakatutok din ang fans sa kanilang kapareha sa serye na sina Seth at Kyle.


Naikwento ni Seth ang ilang komento ng netizens na hindi niya makakalimutan lalo na sa kanyang karakter sa palabas.


“Ang character ko do’n kasi, batang kalye tapos may lumalabas na ‘yung ang yaman ng damit nito,” kwento ni Seth.


Si Kyle naman, aliw sa memes na kinakarir ng netizens na base sa markadong eksena ng Kadenang Ginto.


“May nakikita lang po kaming Facebook account na gumagawa ng, as Kristof, tapos nagkwentuhan sila sa mga status nila,” ani naman ni Kyle.


Kaya naman walang katapusang pasasalamat ang mensahe nina Seth at Kyle sa biggest break sa kanilang career.


“Sobrang masaya po ako kasi hindi ko in-expect na ganito po kalaki ‘yung mangyayari po sa Kadenang Ginto na magiging gold squad po kaming apat and everything. Pero ‘pag nasa labas po ako ng bahay, lagi po akong tinatawagan na Tupe o Kristoff,” mensahe ni Kyle.


“Salamat po sa ganyang nangyayari, tapos siyempre salamat din po sa inyo, kay Sir Deo na binigyan ako ng opportunity,” ani naman ni Seth.


Napapanood ang Kadenang Ginto tuwing hapon sa ABS-CBN.


For more updates, visit kadenangginto.abs-cbn.com!


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA