BACKSTAGE PHOTOS: #ForeverKapamilya Trade Event

Entertainment.ABS-CBN.com July 24, 2019 04:45 PM


Mga kwentong puno ng aksyon, pag-ibig, at aral sa pamilya ang handog ng ABS-CBN sa mga paparating nitong mga palabas na inanunsyo sa #ForeverKapamilya trade event ng Kapamilya network noong Martes (Hulyo 23) sa PICC Forum.


Unang dapat abangan ang pagbabalik telebisyon ni Maja Salvador sa seryeng The Killer Bride kung saan kasama niya sina Janella Salvador, Geoff Eigenmann, at Joshua Garcia. Nalalapit na rin ang muling pagsabak sa pag-arte ni Judy Ann Santos sa pinagbibidahan niyang seryeng Starla.


Aksyon naman ang hatid nina Gerald Anderson, Vin Abrenica, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Yves Flores, Nash Aguas, at Carlo Aquino sa pagsasabuhay nila sa kwento ng mga sundalo sa A Soldier’s Heart. Magiging magkaribal naman ang mga aktor na sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica sa salpukan ng kanilang mga karakter sa Sandugo.


Bibida naman sina JM De Guzman, Arci Munoz, at Kiko Estrada sa kwento ng pamilyang susubukin ang tibay at lakas sa Pamilya Ko


Hindi lang mga teleserye ang dapat abangan dahil paparating na ang mga Kapamilya reality shows gaya ng pagbabalik ng The Voice Kids at I Can See Your Voice. Panibagong timpla rin ang dala ng Your Moment, isang orihinal na reality-talent show na muling susubok at magpapakita sa husay ng Pinoy.


Panibagong Asianovelas din ang mapapanood sa Kapamilya network sa nalalapit na pag-ere ng Encounter, Gangnam Beauty, at I Have A Lover.


Bukod sa anunsyo ng mga bagong palabas, nagbigay saya rin ang mga bida ng umeereng teleserye ngayon sa kanilang performances para sa advertisers. Una na ang showdown nina Dimples Romana at Beauty Gonzales bilang Daniela at Romina sa Kadenang Ginto na nagtarayan on stage. Kasama nila ang Gold Squad na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Andrea Brillantes, at Seth Fedelin na sinayaw ang dance craze na “Halo-Halo.”


Isang song and dance number number naman ang inihandog ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano sa pangunguna ni Coco Martin kasama ang Task Force Agila bilang selebrasyon ng ika-1000 episode ng serye. Kinakiligan naman ang cast ng The General’s Daughter na sina Angel Locsin, JC De Vera, at Paulo Avelino sa pag-awit nila ng isang love song.


Pangmalakasang pagkanta naman ang ipinamalas nina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, at James Reid kasama ang Search for the Idol Philippines Top 12 sa pagtatapos ng programa.

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA