Umagang Kay Ganda

Beauty, inaming nagkasakitan sila ni Dimples Romana sa isang eksena sa 'Kadenang Ginto'

ABS-CBN.com October 09, 2018 07:58 AM


Totohanan na sampalan at aminadong nagkakasakitan sa kanilang mga eksena sina Dimples Romana at at Beauty Gonzales sa teleseryeng Kadenang Ginto.

Ayon kay Beauty, usapan na nila ito para maging makatotohanan ang kwento at kapitan ng audience.

Gusto naming ipakita ‘yung as much as possible totoo kasi lalo na ako hindi ko kayang mangdaya,” ani Beauty.

Marami ang nakapansin na malaki ang ibinawas ng timbang ni Beauty. Bahagi raw ito ng kanyang goal na maging sexy. “Parang ito na po yung tama for my job. I don’t wanna go beyond na,” dagdag pa niya.

Advice ni Beauty sa mga gustong magbawas ng timbang na mahalaga na maging healthy muna ang pangangatawan at magkonsulta muna sa doktor kung ano ang safe at tamang paraan ng diyeta.

Don’t be so hard on yourself. Isipin mo lang na kailangan mong maging healthy muna rather than thinking na losing the weight kasi baka ma-ospital ka. Start first for being healthy and then after that, masasanay din ang katawan mo and huwag kayong maniwala na overnight lang ‘to.”

Napapanood na ngayon araw-araw ang Kadenang Ginto sa ABS-CBN.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA