Umagang Kay Ganda

Megastar Sharon Cuneta, ibinahagi ang love life ng panganay na si KC

ABS-CBN.com November 29, 2018 07:48 AM


Isa sa mainit na pinag-usapan sa nakaraang media conference para sa pelikulang “Three Words to Forever” na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo ang masaya at personal na buhay ng panganay ng Megastar na si KC Concepcion na inspired ngayon sa French boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart.


Boto si Sharon kay Pierre para sa kanyang panganay, “Oh my God, if I could’ve met someone like Pierre, he is so perfect for her.”


Dagdag pa ni Sharon, kahit nasa edad na para magpakasal, hindi sila nagmamadali para magmartsa sa altar.


“Kasi she’s not in any rush, she’s not pressured, and she’s just really enjoying every moment of happiness that she spends with Pierre,” ani pa ni Sharon.


At kung perfect si Pierre para kay KC, naikumpara ni Mega ang relasyon nila noon ni Richard Gomez sa sweetness ng dalawa.


“When we watched them together, they’re like, nakakatawa ‘tong dalawang ‘to. Parang may sarili silang language na magtitinginan, magtatawanan. Parang tayo no’ng araw. Titinginan, tatawanan,” kwento pa ni Megastar.


Showing na sa mga sinehan ang “Three Words to Forever”.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA