Umagang Kay Ganda

Mga kandidata ng Miss Intercontinental, ipinakilala na

ABS-CBN.com January 11, 2019 08:32 AM


Pormal nang ipinakilala kahapon ang mga kandidata sa Miss Intercontinental beauty pageant. Ang Pilipinas ang host country ng prestigious beauty search na nasa ika-47th edition na ngayong taon.


Sa pageant na ito hindi pa nakakasungkit ng korona ang Pilipinas pero malaki ang tsansang ngayong taon na manalo dahil sa ating kandidata na si Karen Gallman.


Walumpung (80) kandidata ang nasa official list pero 64 pa lang ang ipinakilala kahapon at padating pa lang mula sa kani-kanilang mga bansa ang labing-anim pang mga kandidata.


Magaganap ang coronation night ng 47th Miss Intercontinental sa January 26 sa Mall of Asia Arena at mapapanood sa January 27 (Linggo) sa ABS-CBN bago mag-ASAP Natin ‘To.


Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Hernando.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA