TV Patrol

Yam, nadala sa confrontation scene nila ni Jericho sa Halik

ABS-CBN.com November 27, 2018 08:34 PM


Mapa-tarayan, harapan o hebigat na dramahan ay talk of the town ang mga eksena sa Halik. Kaya naman kinilala rito si Yam Concepcion bilang Trending Actress of 2018 sa Philippine Social Media Awards para sa kanyang papel bilang si Jade.
 


“This is my first ever award so parang it makes it even more special. Most Trending Teleserye Actress for Halik,” masayang pagbabahagi ni Yam.
 


Isa sa mga nag-trending ay ang nakaraang confrontation nila ni Jericho Rosales na gumaganap bilang Lino.
 


“One take lang ‘yun lahat. Grabe, intense ‘yung eksena na ‘yun. After ng eksena, umiiyak pa rin ako,” pagbunyag pa niya.
 


Hindi naman naiiyak kundi naaaliw si Yam sa sari-saring reaksyon na natatanggap niya at pagbansag pa sa kanya bilang ‘Pamabansang Kabit.
 


“Sometimes they take it too personally. They think that I’m really malandi and I’m really mataray. Kasi dun sa gym namin, may parang banana cue dun sa stall. ‘Yung babaeng nagbebenta dun lumapit sa akin sabi niya, ‘Oh my God, Jade! Jade! Idol kasi kita kasi kabit din ako.’ Alam mo ‘yun, sana naman, huwag tularan pero I’m not here to judge.”
 


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
 


LOOK: Yam Concepcion receives the Most Trending Actress Award as Jade in Halik


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA