Umagang Kay Ganda

Catriona Gray, inaabangan sa Miss Universe 2018

ABS-CBN.com December 06, 2018 08:16 AM


Sikat si 2018 Miss Universe-Philippines Cartiona Gray, 24, at marami siyang fans hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na nakasubaybay sa kanyang pageant journey.


Ipinanganak si Catriona noong January 6, 1994 sa Queesland, Australia pero hindi siya nakakalimot sa kanyang hometown, ang Oas, Albay.


Sa mundo ng beauty pageant, una nang lumaban si Catriona para sa Pilipinas sa 2016 Miss World pageant.


January ngayong taon ay nagpasa ng application si Catriona para sa Binibining Pilipinas. Nasungkit niya ang halos lahat ng special awards at 2018 Miss Universe-Philippines title.


Marami ang naghahangad na maiuwi ni Catriona ang ikaapat na Miss Universe crown para sa Pilipinas. 


Lumalaban ngayon si Catriona para sa 2018 Miss Universe pageant na nagaganap sa Bangkok, Thailand.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA