TV Patrol

Regine at Lea, hanga sa husay ni Jed Madela

ABS-CBN.com November 18, 2018 06:30 PM


Full support si Regine Velasquez-Alcasid sa anniversary concert ni Jed Madela. Special guest si Regine habang nanood ang Pinoy Pride na si Lea Salonga.


“I remember him 15 years back, he went to one of my concerts and I heard him sing. He’s like a monster,” ani Regine.


“It’s kind of a milestone and for somebody of his talent, he deserves to be an even bigger star,” ani naman ni Lea.


Pambihirang pagkakataon ang mapagsama sa isang panayam o sa isang video ang dalawang reyna ng musika. Kaya ang tanong kina Regine at Lea, posible bang magsama sila sa isang concert o sa isang pelikula?


Pabirong sinabi ni Regine na kumuha sila ng mas batang leading man para sa magiging pelikula nila ni Lea, na mala-“Glorious” ang datingan.


Mapapanood si Regine sa bagong bihis na ASAP Natin ‘To, samantalang kasado na ang US tour ni Lea sa 2019.


Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni MJ Felipe.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA