TV Patrol

Regine Velasquez, binibiro si Sarah sa isyu ng pagpapakasal

ABS-CBN.com January 12, 2019 07:22 PM


Apat ang looks (60s, 70s, 80s, 90s) ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang 2019 buenamanong feature sa isang fashion magazine. Super proud si Regine dahil siya ang nag-makeup sa sarili para sa cover shoot. Proud moment din kay Regine ang linggo-linggong trending ang kanyang collaborations sa ASAP Natin ‘To.


Ang latest na pinag-uusapan ay ang mga hirit ng Asia’s Songbird kay Sarah Geronimo tungkol sa pagpapakasal.


“Wala lang, niloloko ko lang kasi kinikilig ako sa kanila. Eh si mother ando’n sa harapan ko, tawa naman din siya nang tawa,” kwento ni Regine.


Nanuna nang umingay ang diumano’y engagement ng Popostar Royalty kay Matteo Guidicelli sa mga kumalat na photo ng sinasabing engagement ring. Si Regine ang itinutruing na ate ni Sarah sa showbiz kaya deretsahan ang tanong sa kanya- engaged na ba si Sarah?


“Hindi ko alam, wala namang sinasabi. Pero if that was true, I would have known. She’ll ask me first. We talk about it. Siyempre nagbibigay na ako ng mga based sa mga na-experience ko as a wife kasi she’s at the right age na rin naman siya.”


Biro pa ni Regine na kung sakaling matuloy ang kasal, alam niyang kukunin siyang ninang ni Sarah.


Ang buong kwento sa pagpapatrol ni MJ Felipe.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA