TV Patrol

Catriona Gray, usap-usapan sa Thai night bago ang Miss Universe 2018

ABS-CBN.com December 07, 2018 07:46 PM


Mas tumindi pa ang paghahanda ng Pinay candidates ng Miss Supranational, Miss World at Miss Universe. 


Bago ang kompetisyon, at home na si Miss Universe-Philippines Cartriona Gray sa Thailand. Usap-usapan ngayon ang look ni Catriona sa katatapos lamang na Thai night kung saan niya isinuot ang isang Thai silk dress. 


Buhos ang papuri ng netizens na tinawag siyang elegante kaya’t palaisipan ngayon kung ano pa ang kanyang pasabog sa preliminary at finals.


Sa media interview sa Bangkok, telang T’nalak mula South Cotabato ang ibinida ni Catriona bilang suporta sa mga produktong Pinoy.


Muling magho-host ng Miss Universe ang kontrobersyal na si Steve Harvey habang hindi pa ibinubunyag ang set of judges.


Pero para kay Lea Salonga na naging hurado ng Miss Universe noong 2011, malakas ang laban ni Catriona. 


“They all say that she has a chance kasi nga matalino, magaling sumagot. It’s not just her physical beauty na may utak daw talaga ang bata. So if that’s the case, then you have a chance,” ani Lea.


Mas may bigat din daw ang intellectual capacity ng isang kandidata kaysa sa pisikal na itsura.


Nang tanungin naman kung nakakatulong ang Pinoy judges sa Pinay candidates, “if you put a Filipino judge that’s very objective, then it really won’t matter because they’re gonna look at everybody.”


Bago ang Miss Universe, lalaban muna si Jehza Huelar para sa Miss Supranational 2018. Pagkatapos magpasiklab sa swimsuit, umangat naman si Jehza sa evening gown prelims.


Todo rin ang paghahanda ni Catarina Rodriguez para sa Miss World sa China sa Sabado (December 8).


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Jeff Fernando.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA