TV Patrol

Karen Gallman, ayaw patulan ang isyung hometown decision ang pagkapanalo ng special awards sa Ms. Intercontinental

ABS-CBN.com January 11, 2019 07:35 PM


Trending si Binibining Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman matapos mapanalunan ang special awards na Standout Beauty at Media Favorite sa media presentation ng 47th Miss Intercontinental kagabi (January 10). Pero puna ng ilang fans, hometown decision ito na tila unfair daw sa ibang kandidata. Giit naman ni Karen, hirap siya sa paghahanda.


“I don’t post everything online so hindi alam ng mga tao kung gaano ka nag-prepare for this. You never know what to expect. At least you’re prepared,” depensa ni Karen.


Tingin din ng mga tagahanga, look-alike si Karen ng American model at reality TV star na si Kendall Jenner. Nagpatawa na lang si Karen sa kanyang winning look na sexy ternong dinisenyo ni Ben Manlonzo kasama ang lumang sapatos at murang alahas.


Pinaka-sentro ng atensyon ang mga bibang Latin American beauties. Lutang ang early favorites na sina Miss Paraguay na isang singer at Miss Colombia, isang journalist na kahawig ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.


Bago ang coronation night sa January 26, itatampok din ang Miss Intercontinental beauties sa It’s Showtime.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA