TV Patrol

Vice Ganda, aminadong nahirapan sa ilang eksena sa 'Fantastica'

ABS-CBN.com December 05, 2018 08:16 PM


Fantastic ang pasabog ni Vice Ganda at iba pang bida ng “Fantastica” nang bumisita sa isang theme park sa Sta. Rosa, Laguna. Dito nila napiling magpasaya ng fans dahil tungkol sa perya ang pelikula. 


Bukod sa kantahan at sayawan, game din si Vice na sumakay sa iba’t ibang rides. 


Para sa isa sa mga leading man niya na si Richard Gutierrez, unforgettable ang kanilang tambalan. 


“Sobrang saya kasama ni Vice. Para kaming naglalaro sa set. Bawat eksena, dapat may punchline,” kwento ni Richard.


“Humirap din at the same time dahil ang mga maiiksing eksena, humahaba sa kakaharot namin,” dagdag naman ni Vice.


Nakisaya rin sa event ang Kapamilya loveteams na dagdag kilig sa “Fantastica.”


Flattered ang tambalang ito na makasama si Vice Ganda sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Fantastica.


Thankful ang DonKiss sa natutunan kay Vice sa pelikula.


“I’ve learned a lot in this movie especially about improvisation, creativity. Si Mommy Vice, she’s so creative,” ani Kisses Delavin.


“Sobrang saya lang ng experience nitong lahat,” ani naman ni Donny Pangilinan.


Para naman sa MayWard, dream come true ang mapasama sa “Fantastica” lalo’t fans sila ng mga pelikula ni Vice.


“Sobrang excited na kami kasi first time po namin na mapabahagi po sa movie ni Miss Vice,” masayang pagbabahagi ni Maymay Entrata
.

Usap-usapan din ang trailer ng “Fantastica” na pumalo na sa mahigit 1 million views.


Mapapanood na ang “Fantastica” sa araw ng Pasko kasabay ng pito pang entries sa 2018 MMFF.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Ganiel Krishnan.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA