TV Patrol

Direk Joyce Bernal, aminadong nahirapan sa pag-direk ng SONA

ABS-CBN.com July 23, 2018 08:10 PM


Ipinagmalaki ni Direk Joyce Bernal ang kanyang produksyon para sa State Of The Nation Address 2018 ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Labing siyam ang camera setup ni Direk Joyce sa itinuturing niyang pinakamalaking produksyon na nagawa niya.

“Nakaka-tense talaga. Si Direk Brillante, ang mga inserts niya lang, mga black and white. Kami naman po, colored at tsaka tiningnan namin talaga ang framing ni President na magaganda,” ani Joyce.

Angat din ang bagong lighting sa Pangulo sa tulong ng cinematographer na nakatrabaho na sina Daniel Padilla at Piolo Pascual na si Zech Joseph Sycip.

Ibinahagi niya na may dinagdag pa siyang ‘beauty lights’ sa podium na wala pang nakakagawa sa SONA coverage. 

Ang hindi lang nagawa ni Joyce ay ang makakuha ng drone coverage dahil bawal ito sa seguridad ng Pangulo. 

Ang buong detalye sa SONA sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.
 


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA