TV Patrol

Dating actor CJ Ramos, arestado matapos mahuling bumibili ng droga

ABS-CBN.com August 03, 2018 07:40 PM


Arestado ang dating child actor na si Cromel John Ramos o mas kilala bilang si CJ Ramos sa ginawang buy bust operation sa Quezon City kagabi (August 2).

Sa surveillance video ng Caloocan PNP, makikitang nag-aabang sa labas ng isang convenience store sa Tandang Sora, Quezon City ang isang babae. Maya maya pa, nilapitan na siya ng isang lalaking naka bisekleta. Kitang nag-abutan ang dalawa kaya nilapitan na sila ng operatiba.

Agad namang sumama ang lalake na kalaunan ay nakilalang dating child actor na si CJ Ramos.

Ayon sa pulis Caloocan, may nauna na silang naarestong suspek na nagsabing magkakaroon ng transaksyon sa QC kaya nag-abang ang mga pulis.

Sumikat si CJ sa mga pelikula noong 80s at 90s gaya ng “Ang TV: Movie”, “The Adarna Adventure” at “Tanging Yaman”.

Umamin naman si Ramos na may sampung taon na siyang nalulong sa bisyo dala umano ng mga problema. Pinayuhan din niya ang mga nasa showbiz na huwag nang tumulad sa kanya.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, sana ay maging ‘wake-up call’ na ito para kay Ramos para magbago oras na makalaya.

Bailable ang kanyang kasong paggamit ng droga. Pero nagpaalala naman siya sa mga nasa-showbiz na nasasangkot sa droga na huwag nang hintayin ang oras na sila ay mahuli pa.

Plano ngayon ni Ramos na magpa-rehab.

Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Jerome Lantin.

Read: Former child actor CJ Ramos has a warning for people in showbiz: ‘Wag niyo nang subukan’

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA