TV Patrol

Jason Momoa, excited sa kultura at pagkaing Pinoy bago ang nalalapit na Asian premiere ng Aquaman

ABS-CBN.com December 07, 2018 08:30 PM


Next week na ang big Asian premiere ng “Aquaman” na gaganapin dito sa Pilipinas. Pero bago yan, ibinahagi muna ni ‘Aquaman’ Jason Momoa kung ano ang gusto niyang maranasan sa bansa.


Ipinanganak sa Hawaii, nag-aral ng Marine Biology at at-home na at-home sa karagatan si Jason Momoa kaya naman bagay na bagay sa kanya ang papel bilang si Aquaman na magkakaroon ng big premiere sa Pilipinas sa December 11.


“I just hope I just get enough time to just being like see hopefully, beautiful food, maybe see some sights,” hiling ni Jason sa kanyang pagpunta dito sa Pilipinas.


Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Jason sa tagumpay na kanyang tinatamasa. Una siyang nagkaroon ng global recognition sa pagganap ng Khal Drogo sa “Game of Thrones”. 


Hindi ikinakaila ni Jason na galing siya sa hirap at matagal bago niya narating ang kanyang kinalalagyan ngayon sa Hollywood.


Ngayong bida na, ninanamnam niya ang tagumpay bagamat palagi niya pa ring naiisip ang pinagdaanan.


“My mom works like three jobs when I was in high school, she worked four jobs. You know, it was tough. I don’t take for granted where I came from,” kwento ni Jason.


Kasama ni Jason na dadalo sa premiere sa Pilipinas ang kanyang leading lady na si Amber Heard. Dadalo rin sa premiere ng “Aquaman” ang Australian director-producer ito na si James Wan.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Yong Chavez exclusive mula Hollywood.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA