TV Patrol

'PBB Otso' host, naging sentimental sa milestones kasama si kuya

ABS-CBN.com November 08, 2018 07:53 PM


Bagong mix of hosts ang pinagsama ni Kuya sa PBB Otso. Kasama na ni Toni Gonzaga at Robi Domingo ang Star Hunt hosts at former housemates Alex Gonzaga, Kim Chiu at Melai Cantiveros.


Looking forward sila sa mga pagdadaanan ng walong bagong housemates.


“Hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila, but for sure, they’ll be learning a lot and they’ll be living inside the house,” ani Robi.


Naging sentimental ang host dahil sa major life milestones kasama si Kuya.


“From being single to being engaged, getting married, then having kids and now, may apo na si Kuya dahil si Melai din may anak na. We’re still able to do the show and give opportunities to a lot of our Kapamilyas,” ani naman Toni.


Top secret pa ang bagong bihis ng PBB house, pero ang major clue, wala nang salamin sa bahay.


“’Yung sa time ko, may mirror, natakot ako eh, ‘pag nakita ko yung mukha ko. Robotics na daw ngayon so ang swerte ng mga housemates,” ani Melai.


“May mga past seasons kami na conscious ‘yung ibang mga housemates na alam kasi nila sa mirror, do’n nagtatago ang mga camera,” ayon kay Toni.


Ipinasilip din sa TV Patrol ang upgrade na limampung robotic at high-tech cameras sa PBB House. First ang Pilipinas sa Asya na gagamit nito.


“No camera people anymore, they’re robots and they’re very fast. They’re not only HD, they’re 4K. it’s not only the emotion and the sensation of the Big Brother but it’s gonna look like one of the best drama shows you’ve seen,” ayon kay Endemol technical consultant na si Peter Hornix.


Abangan ang mga hamon na haharapin ng bagong housemates sa kick-off ng PBB Otso ngayong Sabado (November 10).


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Gretchen Fullido.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA