Westlife, ipinagdiriwang ang 20th anniversary bilang grupo

ABS-CBN.com February 11, 2019 07:46 PM


Naaalala mo pa ba ang mga awiting “Swear It Again”, “Flying Without Wings”, “Fool Again”, at “My Love”? Ang mga ito ay hit songs ng sikat na Irish boyband na Westlife na binubuo nina Shane, Markus, Nicky at Kian.


Matapos mag-disband noong 2012 ay nagbabalik ang Westlife. Sa Singapore, inanunsyo ring officially back together na ang Westlife at magto-tour na ulit sila.


Espesyal ang 2019 para sa Westlife dahil ipinagdiriwang nila ang kanilang 20th anniversary.


We missed each other, we missed being Westlife….” ani Shane.


Kakalabas lang ng kanilang comeback single na “Hello My Love.” Co-writer ng kanta si Ed Sheeran at si Steve Mac na nagsulat ng all-time favorite hit songs ng Westlife.


2011 nang huling mag-concert ang Westlife sa Pilipinas. Wala raw katulad ang Pinoy fans.


The first time we ever went to the Philippines was the first time we really experience that kind of like, Beatlemania. We never forget the Philippines…” ayon naman kay Kian.


Filipino people in general are very good singers,” dagdag pa ni Shane.


Dati nang sinabi ng Westlife na big Manny Pacquiao fans sila. Sana raw ay maka-jamming nila on stage si Pacman.


Sa tanong kung kailan sila magco-concert sa Pilipinas, “We don’t know as in what date yet but we’ll definitely be in 2019,” sagot ni Nicky.


Bukod sa tour, ilalabas din ng Westlife ang kanilang bagong album ngayong taon.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Gretchen Fullido.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA