TV Patrol

17 anyos na Pinay, binigyan ng standing ovation sa X-Factor U.K

ABS-CBN.com September 14, 2018 08:04 PM


Hindi lang apat na yes kundi standing ovation ang binigay ng hurado ng reality singing contest X Factor UK na sina Louis Tomlinson, Ayda Field, Robin Williams at Simon Cowell sa 17 taong gulang na si Maria Giedie Ocang Laroco sa pagbirit ng Prince cover niya ng “Purple Rain.”

Bago sumalang sa X Factor UK auditions si Laroco, ibinahagi niya sa Europe news bureau na pangatlong subok niya na ito sa tanyag na reality show.

“This year lang po talaga kami pinalad for the audition po,” ani Maria.

Sumali siya ng X Factor dahil gusto niya raw maging global star tulad ni Whitney Houston. Ibinahagi niya na ang inspirasyon niya sa boses ay sina Ariana Grande at Jessie J.

“This is what I wanted and now it’s here. Hindi ko na po palalagpasin ang pagkakataong ito,” dagdag pa niya.

Inaabangan na ng mga Pinoy sa UK ang susunod na performance ni Maria sa X Factor UK.

Kilalanin ang Pinoy X Factor UK hopeful sa pagpa-Patrol ni Rose Eclarinal mula London.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA