TV Patrol

Nadine Lustre, umaming na-depress sa pagkamatay ng kanyang kapatid

ABS-CBN.com October 10, 2018 08:56 PM


Isang taon mula nang mamatay ang kanyang kapatid, deretsahang inamin ni Nadine Lustre na dumaan siya sa depresyon. At kasabay ng World Mental Health Day, pursigido si Nadine na tuldukan ang stigma sa mental health issues.

Gamit ang kanyang impluwensya, mas tinututukan ngayon ni Nadine ang advocacy niyang mental health awareness. Una na rito ang pag-amin sa naranasang depresyon matapos mag-suicide ang 16-year-old na kapatid na si Isaiah noong isang taon.

It was so hard for me… I would show everyone that I was okay even though like, deep down I was like sobrang depressed because of what happened to my brother and I was just holding it for so long,” ani Nadine.
Pero hindi raw ito ang unang beses na na-depress si Nadine. Nagsimula ito noong thirteen years old siya at mas lumala noong siya’y sumikat.

We were doing On The Wings of Love, I was super depressed. I was so lost like I just wanted to disappear and being an actor, minsan nawawala ka na sa sarili mo.”

Sa kabila nito, pinili ni Nadine na bumangon. Nakatulong daw ang pag-meditate at pag-alalay ng boyfriend niyang si James Reid.

He was telling me na parang it’s okay to show vulnerability. It’s okay to show everyone that you’re sad. It’s normal. It’s not something to be ashamed of.”

Nami-miss man ni Nadine ang kapatid, mas nakakahinga na raw siya ngayon dahil alam niyang at peace na si Isaiah. Hangad lang niya na lalong buksan ang isip ng publiko sa mental health.

Because a lot of people look up to me so that people would be like, oh my God, si Nadine parang she’s okay to talk about it…People shouldn’t be ashamed of what they’re going through and like all their sadness.”

Payo ni Nadine, huwag mahiyang humingi ng tulong.

Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Gretchen Fullido.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA