TV Patrol

Rico J. Puno, inilibing na kaninang umaga

ABS-CBN.com November 08, 2018 08:49 PM


Inilibing na ang OPM legend na si Rico J. Puno kaninang umaga (November 8). Naghandog naman ng espesyal na tribute ang ilang OPM icons sa necrological service niya kagabi (November 7).


Naging madamdamin ang pag-alay ng kanta at final respects ng pamilya at mga kaibigan sa necrological service at tribute night para kay Rico J.


Sa eulogies, inalala si Rico J. bilang ama, asawa, kaibigan, kakampi at bilang isang hitmaker.


Kinanta nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Dulce, at Angeline Quinto ang hindi malilimutang hit songs ni Rico kasabay ng final viewing sa kanyang mga labi.


“I thank the Lord for honoring the memory of my dad and hindi po siya mawawala. He’ll be forever with us,” ani Tosca Puno, anak ni Rico J.


Magaala-sais ng umaga kanina nang dalhin ang mga labi ni Rico sa Makati City Hall. Mga kaibigan at kasamahan naman sa pulitika ang nagbigay-pugay kay Rico, kabilang na sina dating Vice President Jojo Binay at Makati Mayor Abby Binay. Nagsilbing konsehal ng lungsod si Rico ng mahabang panahon.


Ala-una naman ng hapon nang ihatid siya sa kanyang huling hantungan sa Heritage Park sa Taguig.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA