TV Patrol

Angel, na-depress at pinag-isipang mag-resign dahil sa problema sa kalusugan at 'di paglipad bilang Darna

ABS-CBN.com January 11, 2019 08:28 PM


Stronger at happier ngayon si Angel Locsin sa kanyang pagbabalik primetime sa The General’s Daughter. Pero rebelasyon ni Angel, umabot noon sa puntong na-depress siya at pinag-isipang mag-resign matapos mawalan ng gana at tiwala sa sarili.


Huling bumida sa primetime television si Angel sa seryeng The Legal Wife. Ngayon, matapos ang limang taon, siya ay nagbabalik at bibida sa The General’s Daughter.


Bagama’t nagkaroon ng special appearance sa La Luna Sangre, ang limang taong espasyo sa kanyang karera ay naging madilim para kay Angel. Dumaan siya sa depresyon, pinagdudahan ang sariling kakayahan at sumabay pa ang problema sa kalusugan.


Kwento ni Angel, umabot na siya sa puntong ayaw na niyang magtrabaho.


“Marami akong natutunan sa five years na ‘yon. Like sino ‘yung mga totoong nandiyan sa paligid ko, who to trust. Umabot na ako sa nagpasa na ako ng resignation letter. That’s why I thank Tita Cory and Sir Carlo do’n because kinausap nila ako. First time kay Inang, tinawanan ako ni Inang. Feeling ko, I’m a failure sa ‘Darna”, ‘yung hindi ko nagawa ‘yung trabaho ko. Feeling ko hindi na ako makakapagtrabaho because of my health. Hindi ako nanghingi ng project no’ng time na ‘yun. As in gusto ko lang talagang mag-resign,” kwento ni Angel.

 

Ngayon, renewed and recharged si Angel. Pinaghuhugutan niya ng lakas ang mga taong hindi bumitaw at nagtiwala sa kanya, kabilang na ang kanyang boyfriend na si Neil Arce.


At sa kanyang pagbabalik-primetime, asahan ang Angel version 2.0.


“Parang feeling ko mas ready akong i-tackle ‘yung ganitong klaseng challenge. Mas excited din akong magtrabaho kasi mas na-appreciate ko ‘yung katrabaho ko. Kung sino ‘yung Angel Locsin na nakilala n’yo no’n, sinuportahan, hinangaan, she’s back and I think I can say na she’s stronger, happier.”


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA