TV Patrol

Gerald at Bea, tinuldukan ang mga espekulasyon sa kanilang relasyon sa HK vacation

ABS-CBN.com September 14, 2018 08:20 PM


Nag bonding sina Gerald Anderson at Bea Alonzo sa kanilang bakasyon abroad kasama ang isang taong malapit kay Gerald.

All is well para kina Gerald Anderson at Bea Alonzo kasunod ng mga espekulasyon sa kanilang relasyon. Ang pagsama ng isang Kapamilya sa Hong Kong vacation nila kamakailan ay senyales na mas tumibay pa ang kanilang relationship.

“Saya, saya. Nakapag-relax ng ilang days with Bea and friends and ‘yung dad ko andun din,” ani Gerald.
Bukod sa basketball, naghahanda na si Gerald sa kanyang next project.

“Malaki ‘yung mga requirements ng show dahil it’s a military show so ang laking part ng AFP. Malapit na,” dagdag pa niya.

Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA